Linggo, Abril 15, 2012

BAGONG TIPAN



1Corintian 8:4Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, nalalaman
natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan,
at walang Dios liban sa iisa.

Marcos 12:29 Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:

1Corintian 8:4Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, nalalaman
natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan,
at walang Dios liban sa iisa.

Sa ilaw ng Islamikong paguunawa ang orihinal na kasalanan at pagpapatawad, pwedi
nating Makita na ang Islamiko ay nagtuturo na si Hesus ay hindi pumarito para
akoin at tanggapin ang kasalanan ng sanlibutan; bagkos, ang pagparito niya ay
para ipaalala o kumpirma ang mensahe ng mga Propeta bago pa siya dumating.

“.. Walang ibang Dios na dapat sambahin maliban kay Allah, Ang nagiisang tunay na Dios...” (Quran 3:62)

Ang mga Muslims ay hindi na niniwala sa Pagkapako sa krus ni Hesus, o kahit maniwala na siya ay namatay.

Ang Qur’an ay tinalakay ang bagay na ito na lubos na pinagtatalunan ng mga
naunang Cristiano hanggang ngayon. Ganito ang sinabi sa pahayag : “ at gayon din sa kanilang ipinagmamalaki at sinasabi : ‘ Napatay namin ang Sugo ng Allah- ang Cristo-Jesus anak ni Maria !
( Datapwat , sa katotohanan ), hindi nila napatay o naipako man sa krus, bagaman inaakala nila na nagawa nila ito. Ang mga hindi umaayon ukol sa nangyaring ito ay nag-aalinlangan; wala silang kaalam—alam ukol dito maliban ( silay gumawa ng ) haka-haka lamang. Wala talagang nakakaalam kung napatay siya. Sa katotohanan, kinuha siya ng Allah sa Kanya. Ang Allah ay higit na Makapangyarihan, at Higit na Marunong ! (Quran 4:157)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento