Tagalog, Ezekiel 23
3 At
sila'y nagpatutot sa Egipto; sila'y nagpatutot sa kanilang kadalagahan:
doo'y nangahigpit ang kanilang mga dibdib, at doo'y nangahipo ang mga
suso ng kanilang pagkadalaga.
4 At
ang mga pangalan nila ay Ohola ang matanda, at Oholiba ang kapatid
niya: at sila'y naging akin at nanganak ng mga lalake at babae. At
tungkol sa kanilang mga pangalan, Samaria ay Ohola, at Jerusalem ay
Oholiba.
5 At
si Ohola ay nagpatutot nang siya'y akin; at siya'y suminta sa mga
mangingibig sa kaniya, sa mga taga Asiria na kaniyang mga kalapit bayan.
6 Na
nananamit ng kulay asul, ang mga tagapamahala at ang mga pinuno, silang
lahat na binatang makisig, mga mangangabayo na nangakasakay sa mga
kabayo.
7 At
ipinagkaloob niya sa kanila ang kaniyang pakikiapid, sa mga pinaka
piling lalake sa Asiria sa kanilang lahat; at sa sino man na inibig
niya, sa lahat nilang diosdiosan, ay nadumhan siya.
8 Ni
hindi man niya iniwan ang kaniyang mga pagpapatutot mula sa mga
kaarawan ng Egipto, sapagka't sa kaniyang kadalagahan, sila'y sumisiping
sa kaniya, at nangahipo nila ang mga suso ng kaniyang pagkadalaga; at
kanilang ibinuhos ang kanilang pagpapatutot sa kaniya.
9 Kaya't ibinigay ko siya sa kamay ng mga mangingibig sa kaniya, sa kamay ng mga taga Asiria, na siya niyang mga inibig.
10 Ang
mga ito ang nangaglitaw ng kaniyang kahubaran; kinuha nila ang kaniyang
mga anak na lalake at babae; at siya'y pinatay nila ng tabak: at siya'y
naging kakutyaan sa mga babae; sapagka't sila'y naglapat ng mga
kahatulan sa kaniya.
11 At
nakita ito ng kaniyang kapatid na si Oholiba, gayon ma'y siya'y higit
na napahamak sa kaniyang pagibig kay sa kaniya, at sa kaniyang mga
pagpapatutot na higit kay sa mga pagpapatutot ng kaniyang kapatid.
12 Siya'y
umibig sa mga taga Asiria, sa mga tagapamahala at mga pinuno, sa
kaniyang mga kalapit bayan, na nararamtan ng mga pinakamahusay, sa mga
nangangabayo na nakasakay sa mga kabayo, silang lahat ay mga binatang
makisig.
14 At
kaniyang pinalago ang kaniyang mga pagpapatutot; sapagka't siya'y
nakakita ng mga lalaking nakalarawan sa mga panig, na mga larawan ng mga
Caldeo na nakalarawan ng bermillon,
15 Na
nangabibigkisan sa kanilang mga balakang, na mga may lumilipad na
turbante sa kanilang mga ulo, silang lahat ay parang mga prinsipe ayon
sa wangis ng mga taga Babilonia sa Caldea, na lupain na kanilang
kinapanganakan.
16 At pagkakita niya sa kanila ay inibig niya agad sila, at nagsugo ng mga sugo sa kanila sa Caldea.
17 At
sinipingan siya ng mga taga Babilonia sa higaan ng pagibig, at kanilang
dinumhan siya ng kanilang pagpapatutot, at siya'y nahawa sa kanila, at
ang kaniyang kalooban ay tinabangan sa kanila.
18 Sa
gayo'y inilitaw niya ang kaniyang mga pagpapatutot, at inilitaw niya
ang kaniyang kahubaran: nang magkagayo'y tinabangan ang aking kalooban
sa kaniya, na gaya ng pagkatabang ng aking kalooban sa kaniyang kapatid.
19 Gayon
ma'y kaniyang pinarami ang kaniyang mga pakikiapid, na inalaala ang mga
kaarawan ng kaniyang kadalagahan, na kaniyang ipinagpatutot sa lupain
ng Egipto,
20 At
siya'y umibig sa mga nagsisiagulo sa kaniya, na ang laman ay parang
laman ng mga asno, at ang lumalabas sa kanila ay parang lumalabas sa mga
kabayo.
21 Ganito
mo inalaala ang kahalayan ng iyong kadalagahan, sa pagkahipo ng iyong
mga suso ng mga taga Egipto dahil sa mga suso ng iyong kadalagahan.
22 Kaya,
Oh Oholiba, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Narito, aking ibabangon
ang mga mangingibig sa iyo laban sa iyo, na siyang pinagsawaan ng iyong
kalooban, at aking dadalhin sila laban sa iyo sa lahat ng dako:
23 Ang
mga taga Babilonia at lahat ng Caldeo, ang Pekod, at ang Soa, at ang
Coa, at lahat ng taga Asiria na kasama nila; na mga binatang makisig,
mga tagapamahala at mga pinuno silang lahat, mga prinsipe, at mga
lalaking bantog, silang lahat ay nagsisisakay sa mga kabayo.
24 At
sila'y magsisiparitong laban sa iyo na ma'y mga almas, mga karo, at mga
kariton, at may kapulungan ng mga tao; sila'y magsisilagay laban sa iyo
sa palibot na may longki, at kalasag at turbante; at aking ipauubaya
ang kahatulan sa kanila, at sila'y magsisihatol sa iyo ayon sa kanilang
mga kahatulan.
25 At
aking ilalagak ang aking paninibugho laban sa iyo, at sila'y
magsisigawa sa iyo sa kapusukan; kanilang pipingusin ang iyong ilong at
ang iyong mga tainga; at ang nalabi sa iyo ay mabubuwal sa pamamagitan
ng tabak: kanilang kukunin ang iyong mga anak na lalake at babae; at ang
nalabi sa iyo ay susupukin sa apoy,
27 Ganito
ko patitigilin sa iyo ang iyong kahalayan, at ang iyong pagpapatutot na
dinala mula sa lupain ng Egipto: na anopa't hindi mo ididilat ang iyong
mga mata sa kanila, o aalalahanin mo pa man ang Egipto kailan man.
28 Sapagka't
ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ibibigay kita sa kamay ng
mga ipinagtatanim mo, sa kamay ng mga pinagsawaan ng iyong kalooban;
29 At
hahatulan ka nila na may pagtatanim, at aalisin ang lahat ng iyong
kayamanan, at iiwan kang hubad at hubo: at ang sala mong pagpapatutot ay
malilitaw, ang iyong kahalayan at gayon din ang iyong mga pagpapatutot.
30 Ang
mga bagay na ito ay gagawin sa iyo, sapagka't ikaw ay nagpatutot sa mga
bansa, at sapagka't ikaw ay nadumhan sa kanilang mga diosdiosan.
32 Ganito
ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw ay iinom sa saro ng iyong kapatid, na
malalim at malaki: ikaw ay tatawanan na pinakatuya at pinaka kadustaan;
maraming laman.
33 Ikaw
ay lubhang malalasing at mamamanglaw, sa pamamagitan ng sarong
katigilan at kapahamakan, sa pamamagitan ng saro ng iyong kapatid na
Samaria.
34 Iyo
ngang iinumin at tutunggain, at iyong hahaluin ang labo niyaon, at
sasaktan ang iyong dibdib; sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong
Dios.
35 Kaya't
ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ako'y iyong nilimot, at
tinalikdan mo ako, taglayin mo nga rin ang iyong kahalayan at ang iyong
mga pakikiapid.
36 Sinabi
ng Panginoon sa akin bukod dito: Anak ng tao: hahatulan mo baga si
Ohola at si Oholiba? ipakilala mo sa kanila ang kanilang mga
kasuklamsuklam.
37 Sapagka't
sila'y nagkasala ng pangangalunya, at dugo ay nasa kanilang mga kamay;
at sa kanilang mga diosdiosan ay nagsisamba; at kanila namang pinaraan
sa apoy upang masupok ang kanilang mga anak, na kanilang ipinanganak sa
akin.
38 Bukod
dito'y ginawa nila ito sa akin: kanilang nilapastangan ang aking
santuario sa araw ding yaon, at nilapastangan ang aking mga sabbath.
39 Sapagka't
nang kanilang patayin ang kanilang mga anak para sa kanilang mga
diosdiosan, nagsiparoon nga sila nang araw ding yaon sa aking santuario
upang lapastanganin; at, narito, ganito ang kanilang ginawa sa gitna ng
aking bahay.
40 At
bukod dito ay inyong ipinasundo ang mga taong nangagmumula sa malayo,
na siyang mga ipinasundo sa sugo, at, narito, sila'y nagsisidating; na
siyang dahil ng iyong ipinaligo, at ipinagkulay mo ng iyong mga mata, at
pinaggayakan mo ng mga gayak;
41 At
naupo ka sa isang mainam na higaan, na may dulang na nakahanda sa harap
niyaon, na siya mong pinaglapagan ng aking kamangyan at aking langis.
42 At
ang tinig ng pulutong na tiwasay ay nasa kaniya: at nadala na kasama ng
mga lalake sa mga karaniwan ang mga manglalasing na mula sa ilang; at
sila'y nangaglagay ng mga pulsera sa mga kamay nila, at mga magandang
putong sa kanilang mga ulo.
43 Nang
magkagayo'y sinabi ko sa kaniya na tumanda sa mga pangangalunya, Ngayon
mangakikiapid pa sila sa kaniya, at siya sa kanila.
44 At
sinipingan nila siya, na parang sumiping sa isang patutot: gayon nila
sinipingan si Ohola at si Oholiba, na malibog na mga babae.
45 At
mga matuwid na tao ang hahatol sa kanila ng kahatulan sa mangangalunya,
at ng kahatulan sa mga babae na nagbubo ng dugo; sapagka't sila'y
mangangalunya, at dugo ang nasa kanilang mga kamay.
46 Sapagka't
ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ako'y magsasampa ng isang
kapulungan laban sa kanila, at ibibigay ko sila upang ligaliging paroo't
parito at samsaman.
47 At
babatuhin sila ng kapulungan, ng mga bato, at tatagain sila ng kanilang
mga tabak; papatayin nila ang kanilang mga anak na lalake at babae, at
susunugin ng apoy ang kanilang mga bahay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento